Gwapo tip number 3

Wala nang mas tatalo pa sa ngiting abot tenga. Wag mo nang isipin kung bungal ka, sungki oh may tingang kulay berde dahil kumain ka ng kangkong ng Chowking (wag lang amoy bagoong.)

Kasi pag lagi kang nakangiti, gwapo ka kumpaDRE! Ibig sabihin ay kumpidens ka sa iyong feeling, na masaya ka, at welcoming! Hindi ka tatakbuhan oh katatakutan ng mga babae, panget man oh maganda; dika iirapan ng mga paminta na kahit sa isa’t isa sila ay nagaamuyan (*haaah.. hachoo!!* jowk lang po, no insults intended, sorry po… hihi) hahaha. (- -,)v

Pero shempre yung genuine smile. Hindi yung pa-cool para maka pick-up lang ng libreng betamax kay ateng barbikyu. Kuha mo naman ang punto ko diba? hahaha…

Tandaan, malaking factor sa pagpapagwapo ang pag-smile kasi binubuksan nito ang mga emosyon at ang tarangkahan ng mga suplado at suplada, na in turn, ay magiging mas malaki ang chances mo for a good conversation.

PS.

Dapat aware ka sa tinga. Kundi yung ngiti ng kausap mo aabot hanggang tenga dahil sa tinga.


(- -,)v

Gwapo tip number 2

Gwapo tip number 2.

Magbihis ng tama.

Pano? Maraming paraan, sa totoo lang. Walang isang daan. Pero eto ang sa akin.

—————

1. Wag ka masyado makiuso; hanapin mo kung ano ba ang style mo, tapos mejo haluan mo ng konting uso.

- Bakit? Kasi pag nakikiuso ka, may mga pagkakataong hindi patok sa katawan mo ang uso. Hindi sa payat, mataba, oh kung ano man. May mga binabagayan din kasi ang mga porma, kaya importante na mahanap mo ang sa iyo.

At saka hindi ka stand-out pag nakikiuso ka. Magiging kaparehas mo ang iba, at magsasawa ang tao sa itsura na yun. Kailangan flexible ka.

Alamin mo kung ano ang bagay sayong damit, alamin mo kung anong patok sa katawan mo, hindi kung ano ang patok sa mata mo.

—————

2. Wag magsuot ng fitting na damit.

- Wala nang mas sasagwa pa kung parang puputok na ang damit mo dahil fit na fit ito. Wala na ding mas pangit pa kung payat ka na, fit pa damit mo, kitang kita ang kapayatan mo. 

Sa mga maskulado lang ang pang-fitting. Pero dika naman nagpapaseksi at nagpapaikot ng tiyan ng babae at binabae, nagpapagwapo ka. Inaayos mo ang panananamit mo.

—————

3. Maging maingat sa suot mong damit.

- Dapat lagi kang aware sa suot mo, kung lukitin ba, dumihin, at kung ano man.

—————

4. Iwasan ang malalaking damit.

- Kung hindi ka lamang magpapambahay, wag ka magsuot ng malaking damit. Wala itong pinapakita kundi sloppy look.

—————

5. Formal/semi-formal attire.

Kung hindi ka kumpyansa sa sarili mo kung paano magdamit, hindi ka magkakamali sa pagsuot ng tamang polo okaya polo shirt at hindi baggy pants. At siyempre dapat hindi malaki, yung tama lang sa katawan mo.

Ngunit dapat alamin mo ang tamang pagsuot nitong mga ito. Impress!

—————

6. Hindi makakasakit kung aaralin mo ang colour wheel.

- Dito ka magbase ng tamang kumbinasyon ng kulay para sa damit mo. Tandaan, ang kulay ay nakakadala.

—————

7. At ang pinakahuli sa lahat!

Maging kumpyansa ka sa suot mo. Kapag hindi ka tiwala kahit bagay sayo ang pananamit mo, lumalabas yan at nararamdaman ng tao sa paligid mo. Magiging baduy ka. Kay dalahin mo ang tamang porma ng damit!

(- -,)V

Gwapo tip number 1

Gwapo tip number 1.

Importante ang pabango. Hindi dahil magpapaimpress ka lang sa isang babae kaya ka magpapabango. Iba ang impact pag may mabangong amoy ang tao, pinapakita (pinapamoy pala) na malinis ka, at kaaya-aya.

Naaangat ka ng pabango pre. Kahit dika gwapo, nagiiwan yun ng impression sa tao. Basta kailangan lang ay consistent ang pabango mo, at hindi ka nakakalimot maglagay nito sa araw (parang brief mo, di mo nalilimutan isuot bago ka umalis ng bahay). Malimutan mo na ang deo roll on, wag lang ang pabango (eewwwiiie ka pag nalimutan mo ang deo -_-’ ).

Isa pa, wag kang gumamit ng mainstream na pabango, lalo na ang Axe. Hinding hindi ka mahuhulugan ng diyosa, anghel, seksing babae, at kung ano ano pang naisip mo pag gumamit ka nun. Bakit hindi pwedeng gumamit ng Axe oh ng mga mainstream na pabango? Simple lang. Siguradong marami kang katulad, at hindi yun magiiwan ng impression kahit mabango. Isipin mo nalang kung ka-amoy mo ang katabi mo, oh diba nakakailang.

Hindi kailangang mamahalin ang pabango, basta pumili ka lang ng tamang tama sayo, at hindi mainstream na pabango. 

(- -,)V

Huling hirit, hindi lahat ng tao sa paligid mo magugustuhan ang pabango mo kahit na kumpyansa ka sa amoy.  Wag mo nalang yun personalin, basta alam mong maganda ang pabango mo at binibigyan ka ng dating na ikaw ay someone. :)