Ako ngayon ay nangangarap
Sana’y maaaring magpanggap
Balikan lumang hinaharap
Kaakibat ang dating sarap!
Ang dati na aking akala
Sa buhay ako’y pinagpala
Trabahong akala’y ‘langsala
S’yang kaguluhan, isa pala!
Bulaklak na nagbunga nuon
Siyang labu-labo na ngayon
Ako’y hindi na mahinahon
Tadhana na rapat ibaon.
Paano nga ba haharapin
Ang pait sa aking damdamin
Kaguluhan na iisipin
Hinaharap na gustong damhin.
Nawa ay muli nang tumibay
Tiwala na siyang nawalay
Sapagkat duon nabubuhay
Kabuhayan na s’yang may malay.
Sana ay maintindihan mo
Na lugmok ang pag-aari mo
Hindi dahil sa mga tao
Kundi sa tigas ng ‘yong puso.
Katukin ka nawa ng Diyos
Upang ang dugo mo’y umagos
Sa ‘yong puso ito’y aagos
Para maramdaman ang tagos,
Paki sa kapwa’y maaayos. *bow.*
—————
Hindi ko ko pa rin nailabas ng lahat ang lugmok na nadarama ko sa mga oras na ito. :( Maaaring tulog na lamang ang suluyson sa bugso ng damdamin kong ito.