
Kahit ano man ang resulta ng paglilitis sa punong mahistrado, ang punto rito ay kung ano ang gagawin ng sambayanan sa lahat ng kanilang natutunan sa pangyayaring ito.
Hindi mahalaga kung saan ka nakakampi, depensa man okaya prosekyusyon (basta hindi ka lang isang mamamayang nagbababa ng sarili mong hatol na akala mo ikaw ang tama, dahil mukha ka lang tanga kung ganun). Ang importante ay magkaroon ng pagbabago sa ating bansa, na maging mas bukas pa ang ating mga inihalal na tao sa pusisyon at hindi lamang gawin ang nalamang butas ng batas at gawing dolyar ang kani-kanilang mga kayamanan upang tumakas sa palakol ng batas (na dapat ay patalasin muli).
—————
Para sa mga ordinaryong mamamayan, nawa’y sa maliit mong paraan ay tigilan mo ang pagiging kurap sa sarili at sa ibang tao: paniningil at pagsusukli ng tama sa mga pasahero, pagbabayad ng tama sa serbisyong tinanggap; sa mga pagsagot sa eksaminasyon sa paaralan, sa mga pagbibigay ng espesyal na pakikisama sa mga mag-aaral; sa mga empleyado na abuso at sa mga boss na nang-aabuso, at sa ano pa mang maliit na bagay na nakakapanlamang sa kapwa.
Tandaan, lahat ay may kakayanang manghusga, pero hindi nito binibigyan ang tao ng karapatang manghusga sa mga bagay kung hindi ang isa ay maayos kapwa; “the one who’s free from sin, the first to cast the stone.” Nagsisimula ang kurapsyon sa maliliit na bagay, nagbibigay ng lakas ng loob sa tao na gawin pa ang mas malalaking katiwalian.
—————
Kaya sana ang makasaysayang pangyayaring ito sa ating bansa ay maging isang pundasyon sa pagkakaruon ng maayos na mga namumuno at maayos na mga mamamayan, na mayroong iisang pagiisip at iisang kagustuhan sa tadhana ng bansa.
(- -,)V