Intro:
Ngayon ko lang ulit pinakinggan ang 2009 album ng Lamb of God. Maganda pa din, nakakaaliw.
—————
Part 1.
Naalala ko nung wala kong ideya na Lamb of God pala ang CD na bibilin ko nun. Ginagawa ko kasi madalas pag magisa ko, laging record bar ang derecho tapos laging nagahanap ng mga CD na metal. Tinuro lang sakin nung saleslady na metal (rock pa nga tawag niya) yung isang maroon cover, tas pagtingin ko Lamb of God pala yun, Wrath yung pangalan ng album.
Hayun binili ko agad, kahit wala kong ideya kung maganda ang album na yun. Tama naman ang instict ko na bilihin. Whoooa.
—————
Part 2.
Broken Hands.
I can feel your fear and weakness
I see my own in the mirrors of your eyes
Carved into a corner hopeless
There’s death ahead and doom behind
There’s a bad storm blowing in
And most of us won’t make it
The wreckage of your past
Means nothing now, forsake it
The memories cripple you
You’re torn apart your doubt must
Die
It only fell apart ‘cause you let it
bled of all you had to lose
Pick up the pieces with your broken
Hands
Broken Hands ang title ng kantang yan. Sa totoo lang, habang pinakikinggan ko ang kantang yan kanina, sobrang tinamaan ako sa linyang “pick up the pieces with your broken hands.”
Napag-isip isip ko, tama na siguro ang pagpapakasakit sa mga nangyari nang nakaraan, ang pagkamatay ng aking ama, ang pagkasira ng mga relasyon, ang paghihirap kung paano lalampasan ang araw-araw na problema. “It only fell apart ‘cause you let it, bled of all you had to lose…”
Oo, hirap talaga ako maghawak ng emosyon ko, matindi ako mag mood swing, pag nalungkot ako mahirap na ako kumawala sa mood na yun. Minsan buong araw ako nalulugmok sa sarili kong putik, kahit na marami namang kailangang pagtuunan ng pansin. “It only fell apart ‘cause you let it bled of all you had to lose…”
————-
Part 3.
“The wreckage of your past means nothing now, forsake it…” Oo, mahirap talaga, nahihirapan talaga ako iwan ang nakaraan. Nagsisisi, nagtatanong, nagaabang ng sagot sa mga nasirang nakaraan. Sa mga inisip na plano na hindi na kailanman matutupad dahil wala na ang mga taong gustong kasama para matupad ito. Nalulungkot sa lahat ng mga nangyari.
Pero alam mo, tama ang kanta. “The wreckage of your past means nothing now, forsake it…” Kailangan ko iwan ang nakaraan. Hindi na ito babalo kahit ano pang gawin ko. Wala na nga ee, nakaraan na. Kailangan nalang ito gawing pundasyon para maging mas maayos akong nilalang.
—————
Part 4.
Tama na ang pagiging malungkot. Tama na ang pagiging senti. Tama na ang pagtatago sa sariling anino. Panahon na para tumayo. Panahon na para ayusin ang sarili. Mas maging matatag. “Pick up the pieces with your broken hands…” My broken hands.
“The memories cripple you, you’re torn apart; your doubt must die.” Oo nagdududa talaga ako kung kaya ko. Kapag naaalala ko ang lahat, ang hirap sa pamilya, ang lungkot sa sarili, ang pagahanap ng pwedeng iyakan, ang ideya na hindi na ako makaiyak dahil nasanay na sa pagiging malakas, at kung ano ano pang ala-ala. ”MY memories cripple ME, I’M torn apart; MY doubt must die.” Kakayanin ko ito.
—————
Part 5.
Hindi ko alam. Pero gusto ko harapin. Kakayanin ko ito.
—————
Part 6.
Salamat sa pagbabasa. Sana ay may nakuha kang kaunting aral kahit hindi naman ako masyadong nagkwento ng buhay ko. Salamat.
—————
(- -,)V